𝖎. 𝖑𝖆𝖒𝖆𝖓 𝖆𝖙 𝖉𝖚𝖌𝖔

confradia de los indios filipina

Habang nasa gitna ng paglalakbay ng buhay, nahanap ko ang aking sarili sa loob
ng isang madilim na gubat kung saan ako'y naliligaw sa tuwid na daan."

sabi ng makatang Dante. ang madla ay nawawala sa isang masukal na gubat.
hindi makita ang kanyang sarili, bulag sa kadiliman. hindi makita ang tunay na daan.

confradia de los indios filipina

"Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang
hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagkat ang aking laman
ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang kumakain ng
aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya."

ang mga salitang ito ay mauugnay sa isang kwento mula sa paanan ng bundok ng
Banahaw kung saan may isang lalaking nag ngangalang rodolfo ay dinuraan ang
banal na batis at dahil rito nung siya'y namatay, sinumpa ng mga anito't mga
anghel na nagbabantay sa kagubatan upang siya'y maglakad sa paanan ng bundok
ng San Cristobal hanggang sa katapusan. siya lamang ay buhay sa pagkain ng
laman ng kanyang kapwa at sa pag-iwas sa sinag ng araw.

hahayaan mo ba ang iyong sarili na kainin ang laman at dugo ng kalupaan,
maligaw sa napakadilim na gubat o pipiliin mo ang laman at dugo na ililigtas
ka sa buhay na matinding sakit at bubuhatin mo ang iyong sarili
upang makatakas sa kumunoy na yari sa putik at kayamuan?